
Masayang inanunsyo ng King of Talk na si Boy Abunda na ang susunod na guest sa limited talk series na My Mother, My Story, ay ang Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Kuwento ni Boy Abunda, bumisita pa ang buong team sa Tagaytay at nag-shoot sa dating bahay kung saan sila nag-taping noon ni Jillian para sa kaniyang programa na Trudis Liit.
Sa isang exclusive interview, inilarawan ni Boy Abunda ang kanilang panayam sa salitang "fascinating."
Paliwanag niya, "I am fascinated by her being present. She's so present in the interview."
Namangha rin daw siya sa confidence ni Jillian na ipakita ang kaniyang candid self at opinions sa harap ng camera.
"Unafraid to be herself. Ibig sabihin, may mga moments na sa kaniyang narrative as a kid, she wanted some things. Awkward stage until today, she's one of the biggest stars in the entertainment business in television. Unafraid about the contradictions, bilib ako doon," sabi niya.
Dagdag din ni Boy Abunda, "Kasi what is a narrative if the flow is always reasonable, logical, doon ako bilib sa mga narrative ng public figures, powerful people, celebrities. When they are able to embrace their uniqueness."
Para kay Boy Abunda, nahihiwaga siya na mapakinggan ang mga pagbabago sa kaisipan ni Jillian habang siya'y lumalaki. Katulad ng mga dati niyang gusto at mga ginagawa niya sa buhay.
"Eto gusto ko noon, ngayon hindi na. Eto ginagawa ko noon, ito dito, I love that about her that's why I described my interview with her as fascinating," pahayag ni Boy Abunda.
Ang kuwento ni Jillian ay isa sa anim na itatampok na celebrities ng My Mother, My Story. Lahat ng guests sa programa ay magbabahagi ng kanilang istorya at kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang. Ikukuwento rin ang kanilang karanasan kung paano sila tinaguyod, nasaktan, natutong magmahal, at iba pang mga pangyayari sa buhay nila na humubog sa kanilang pagkatao.
Subaybayan ang kaabang-abang na episode ng tv special na My Mother, My Story tampok si Jillian Ward ngayong July 21, 2 p.m. sa GMA.