GMA Logo EJ Obiena and his family
Photo by: My Mother My Story, GMA Network, Emerson Obiena FB
What's on TV

EJ Obiena, inaming nahirapan na maging isang anak ng dalawang atleta

By Kristine Kang
Published September 30, 2024 7:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Buluthuan sa Ibajay, Aklan, gindayaw sa colorful nga classrooms kag facilities | One Western Visayas
Kylie Padilla gushes over AJ Raval and daughter Alkina's TikTok video
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

EJ Obiena and his family


EJ Obiena bilang anak ng mga atleta, “They have recognitions. There's like a shadow cast over you.”

Kilala si Ernest John Uy Obiena, o EJ Obiena, bilang isa sa mga mahusay na atleta sa 2024 Paris Olympics. Dahil sa kanyang galing sa pole vaulting, siya rin ay binansagang number three pole vaulter sa 2024 World Athletics Rankings.

Ngunit maraming hindi nakakaalam na siya ay anak ng dalawang mahusay na atleta at coach na sina Jeanette (hurdler) at Emerson (pole vaulter). Sa kabila ng suporta at pagmamahal mula sa kanyang mga magulang, nagkaroon din si EJ ng mga pagsubok sa kanyang paglaki.

Sa kanyang panayam sa limited talk series na My Mother, My Story, inamin ni EJ na may "good and bad side" ang buhay bilang anak ng mga atletang magulang. Sa magandang bahagi, labis ang suporta na natatanggap niya dahil alam ng kanyang mga magulang ang mga hamon ng pagiging isang atleta.

"They really went through that path so nadaanan na po nila (and) so may experience po sila. They can walk you through it. They know the ins and outs so with that it's a good thing," pahayag niya.

Ngunit ang parehong propesyon ng kanyang mga magulang ay nagdulot din ng mga hamon sa kanilang relasyon. Dahil sila ay parehong magulang at coach niya, tila nagiging mahirap ang pagkakaroon ng boundaries. Inamin din ni EJ na may pagkakataon na iba kahulugan at bigat ang kanilang salita sa kanya.

"There are things po na like your dad can say that the coach can't and there are things a coach can say but a dad can't," paliwanag ni EJ. "Your coach can be very rough and tell you, 'You're nothing.' He can say that to you and take it as a coach. There's a different impact. But when a parent says, 'You're nothing,' it's different. It gives you this certain emptiness. Like it's different. When the parents said, 'You're not good enough,' it's like a definition of yourself."

Pinaliwanag ni EJ na hindi siya nakaranas ng ganitong pahayag mula sa kanyang mga magulang, ngunit nadadala pa rin nila ang kanilang usapan sa sports sa bahay, na nagiging sanhi ng emosyonal na epekto sa kanya.

"'Pag masama ang ensayo, natapos ng hindi maayos. 'Pag umuwi sa bahay iyon pa rin po ang pinagu-usapan. 'Pag iba ang coach mo, pagkatapos ng ensayo that's done," sabi ni EJ.

May pressure rin si EJ dahil sa mataas na inaasahan ng mga tao sa kanya bilang anak ng mga kilalang atleta. “They have recognitions. There's like a shadow cast over you,” aniya.

Sa kabila ng lahat ng ito, itinuturing na superheroes ni EJ ang kaniyang mga magulang dahil sa inspirasyon, suporta, at pagmamahal na ipinakita nila sa kanya.

Balikan ang panayam ni EJ Obiena tungkol sa kanyang mga magulang sa video na ito:


Samantala, maaring balikan ang mga iba pang madamdaming episode ng My Mother, My Story, sa GMA Network website at social media pages.