
Masayang-masaya ang Kapuso versatile actor na si Ken Chan nang malaman niyang bibida siya sa My Special Tatay. Ayon sa kaniyang interview sa press, malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang home network dahil sa role na ito.
Aniya, "Sobrang excited, sobrang sarap sa pakiramdam, sobrang saya ko talaga na mabigyan ako ng isa pang pagkakataon ng GMA na isabuhay ang isa na namang magandang karakter. Napakaswerte ko dahil mae-experience ko 'yung pinagdadaanan ng mga taong mayroong intellectual disability."
Nag-kuwento rin si Ken ng bahagya tungkol sa kaniyang karakter sa My Special Tatay.
"Ang pangalan ko rito ay si Boyet na mayroong intellectual disability. My Special Tatay ang magiging title ng teleserye namin dahil sa kabila ng intellectual disability ni Boyet, may mga taong nakapaligid sa kaniya na magiging contributor para si Boyet ay maging isang mabuting tao, especially isang mabuting ama."
Dagdag ni Ken, maikukumpara niya ang karakter ni Destiny Rose kay Boyet dahil pareho itong challenging roles. "Kung ano 'yung naramdaman ko sa Destiny Rose noon na kaba, mas doble 'to dahil kailangan nating i-kuwento sa mga viewers at ipaintindi sa kanila kung ano ba 'yung nararanasan ng mga taong may intellectual disability. Hindi madali sa'kin dahil hindi ako nagkakaroon ng chance na makihalubilo sa mga taong may intellectual disability so wala akong idea kung ano talaga 'yung nararanasan nila sa araw-araw."
Abangan si Ken Chan bilang Boyet sa My Special Tatay, soon on GMA.