
Kasalukuyang napapanood ang indie actor na si Alchris Galura sa My Special Tatay bilang Joel, isa sa mga tauhan ni Olivia (Teresa Loyzaga).
Dahil sa mahusay na pagganap ni Alchris sa kaniyang karakter, maraming netizens ang nakapansin sa kaniyang talento.
Alam n'yo ba na si Alchris Galura ay kapatid ng top Kapuso star na si Glaiza de Castro? Hindi na kagulat-gulat kung bakit may taglay na husay ang dalawa pagdating sa pag-arte.
Muling balikan ang eksena ni Joel sa My Special Tatay na talagang hinangaan ng mga netizens.