What's on TV

Fans ng 'My Special Tatay,' nag-alala para kay Baby Angelo

By Nherz Almo
Published February 18, 2019 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Teresa Loyzaga, nagulat sa reaksiyon ng netizens sa larawan nila ni Baby Angelo, “Hala! Bad na talaga ang peg ko?”

Ilang masugid na manonood ng My Special Tatay ang napa-react nang mag-post si Bruno Gabriel ng larawan ng co-actor niyang si Teresa Loyzaga kasama ang cute na si Baby Angelo.

Si Bruno ay gumaganap na anak ni Teresa sa hit GMA Afternoon Prime series, samantalang si Baby Angelo ay tumatayong anak nina Ken Chan at Rita Daniela.

May halong pag-aalala ang ilang nagkomento sa post ni Bruno dahil sa kasamaan ng karakter na ginagampanan ni Teresa sa My Special Tatay.

Breaking character. #MST #BTS

A post shared by Bruno Gabriel (@brunogabrieltv) on

“Baby Angelo, wag kang lumapit kay Olivia, bad 'yan,” pabirong sabi ng isang netizen na nag-comment sa post ni Bruno.

Tila ikinagulat naman ni Teresa ang reaksiyon ng ilang tungkol sa kaniyang karakter.

Comment niya sa post ni Bruno, “Hala! Bad na talaga ang peg ko?”

Sagot naman ni Bruno, “Not in my eyes, mum! [heart and flower emojis].”

Sa kabila nito, may ilan din namang naaliw nang makitang kasama ni Teresa si Baby Angelo sa set ng My Special Tatay.

LOOK: Baby Angelo's cutest photos with the cast of 'My Special Tatay'