What's on TV

WATCH: Rita Daniela, binistong naiiyak si Ken Chan sa pagtatapos ng My Special Tatay

By Cara Emmeline Garcia
Published March 28, 2019 11:15 AM PHT
Updated March 28, 2019 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

India says its economy has overtaken Japan, eyes Germany
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Ken Chan at Rita Daniela, mami-miss ang isa't isa pagkatapos ng My Special Tatay.

Binuking ni Rita Daniela na naging emosyonal ang kaniyang katambal na si Ken Chan sa pagtatapos ng kanilang hit Kapuso Afternoon Prime series na My Special Tatay.

Ken Chan & Rita Daniela
Ken Chan & Rita Daniela

Ani ni Rita, “Si Ken [Chan] po naiiyak.”

“Actually, mga last two taping days pa lang umiiyak na siya.”

Hindi naman ito itinanggi ng award-winning actor, na umamin pang napamahal na sa kaniya ang serye na pinagbibidahan niya.

“Malungkot kasi napamahal na sa akin ang mga ito eh at napamahal na sa akin ang My Special Tatay,” aniya.

Inamin din ng dalawa na mami-miss nila isa't isa at ang tambalang #BoBrey na pumatok sa kanilang mga manonood.

Kuwento ni Rita, “Sinabi ko sa kanya yun. Chinika ko sya at sinabi ko, 'Mami-miss kita.'”

Dagdag naman ni Ken, “Sinabi niya na parang, paano kung naghiwalay na kami?

“So sabi ko, 'Sana hindi, sana 'wag.'”

Panuorin ang buong chika ni Lhar Santiago:


'Wag palampasin ang huling dalawang araw ng My Special Tatay sa GMA Afternoon Prime.

WATCH: Aubrey, nagtrabaho bilang elevator girl!

READ: Ken Chan, nagpasalamat sa mga sumusubaybay ng pagtatapos ng 'My Special Tatay'