
Unang salang pa lang ni Claire Castro sa teleserye ay sumabak na agad siya sa daring scenes para sa TV adaptation ng Nagbabagang Luha, na mapapanood na ngayong August 2 sa GMA Afternoon Prime series,
Bibigyang buhay ni Claire ang dating papel ni Alice Dixson na si Cielo.
Maging sa kanyang Instagram account ay makikitang confident ang 22-year-old actress na ibalandra ang kanyang balingkinitan na pangangatawan.
Sa panayam kay Claire sa media conference ng Nagbabagang Luha noong July 22, sinabi niya, "Well, as Claire po, masu-surprise po kayong malaman na very comfy lang po talaga 'ko manamit, very mahinhin, a little bit bit very opposite po sila ni Cielo.
"I like being comfortable also but I like being challenged, especially po which is very daring, very sexy.
"Very opposite po pero I love a good challenge naman and I'm comfy naman with my body and how I look and I'm okay with flaunting it."
Sa trailer ng TV adaptation ng Nagbabagang Luha, mapapanood na nakipagsabayan na agad si Claire sa mga magagaling na artista tulad nina Glaiza De Castro at Gina Alajar.
Inamin ng baguhang aktres na na-starstuck siya sa batikang aktres at direktor na si Gina na gaganap bilang Mrs. Montaire.
Aniya, "No'ng first time ko po nakilala si Direk Gina, sa kanya po ako pinaka-starstruck.
"Medyo nahihiya po ako kasi 'yung vibes po n'ya talaga is iba."
Thankful daw si Claire na madali niyang nakakausap ang kanyang co-stars tuwing kailangan niya ng advice pagdating sa pag-arte.
Tila totoong ate na raw niya si Glaiza na gaganap bilang Maita, ang nakatatandang kapatid ni Cielo.
"Si Ate Glaiza naman po, nagtatanong po ako sa kanya ng mga advice minsan kasi kami po kadalasan 'yung mag-eksena, e.
"Sobrang tindi po ng mga eksena namin and nag-a-ask din po ako for help and they guide me naman if I have any difficulty, especially po sa mga daring scenes comfortable po ako, kasi comfortable po silang kasama, sobrang gaan po nilang kasama."
Kahit sexy ang role, suportado naman si Claire ng kanyang ama na actor/broadcaster na si Diego Castro sa kanyang first major TV project.
"When I first audition po to GMA Artist Center bale, 'di po alam ng dad ko.
"Bale patago po ako nag-audiion so nagulat na lang po s'ya na pumasa po ako tapos na-assign po siyang manager.
"Well, my dad po is very proud of me and bawat update po ng GMA talagang todo share po siya."
Dugtong ni Claire, proud din ang kanyang inang si Raven Villanueva sa kanyang achievement bilang artista kahit na matagal na silang hindi nagkakausap.
"She's proud din naman po. We haven't been talking in a while due to our busy schedules but I hope to catch up with her soon."
Unang nakilala sina Diego at Raven sa sa youth-oriented show ng GMA Network na T.G.I.S. noong '90s.
Samantala, kilalanin pa ang newbie Kapuso na si Claire dito: