GMA Logo claire castro in nagbabagang luha
What's on TV

Viewers, napikon kay Claire Castro sa 'Nagbabagang Luha'; aktres, unbothered sa nega comments

Published August 26, 2021 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Agusan del Sur governor denies arranging lawyers for Baterbonia family
Ateneo: Tab Baldwin’s silence requested, advised by university
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

claire castro in nagbabagang luha


"Pakitusok ng stick ng lollipop ngala-ngala niyang haliparot," tweet ng isang netizen.

Nanggigigil sa galit ang viewers sa episode ng GMA drama series na Nagbabagang Luha ngayong Huwebes, August 26.

Napanood sa nasabing episode ang simula ng pang-aakit ni Cielo (Claire Castro) kay Alex, ang boyfriend ng kanyang kapatid na si Maita (Glaiza De Castro).

Hindi alam ni Maita na hindi lang pala si Judy (Myrtle Sarrosa) ang tumatraydor sa kanya kundi pati mismo ang kanyang sariling kapatid.

Habang nagsu-swimming sa pool nang naka-bikini, nagkunwaring nalulunod si Cielo para akitin si Alex.

Idinaan naman ng viewers sa Twitter ang kanilang inis kay Cielo dahil sa kawalan ng delikadesa gamit ang #NLTemptation.

Pare-pareho ang tinutumbok ng kanilang tweet na nagpapahiwatig ng kanilang pagkadismaya sa dalagita, na ginagampanan ni Claire Castro (23).

Basahin ang ilang tweets dito:

Affected na affected din ang viewer na ito na may Twitter handle na @sabrinafayeb kaya kung pwede raw "sapakin" si Cielo mula sa kanyang TV screen ay gagawin niya.

Ayon naman sa Twitter user na may handle na @commander_liway, ibabaon daw niya ang kanyang kapatid sa semento kung gaya ito ni Cielo.

Ang episodic clip na ito ng GMA Drama kung saan makikitang sinampal ng dalawang beses ni Judy si Cielo ay mayroong 13 quote tweets, na nagpapahayag na deserve ni Cielo ang mga malulutong na sampal.

Ika nga ng isang netizen, "Nararapat lang iyan sa'yo, aba!"

Ayon sa panayam ng GMANetwork.com kay Claire sa Kapuso Brigade Zoomustahan online event noong August 20, hindi madaling gampanan ang kanyang provocative role sa Nagbabagang Luha dahil sa iba't ibang emosyon ng papel niyang si Cielo.

"Actually I prepare everyday because not everyday feeling mo bukas ka na, everyday ay kaya kong maging malungkot today, kaya kong maging galit today, kaya kong ma-feel 'yung love para kay Alex today. It's different everyday.

"But everyday I do preparation po. Kunwari nagising po ako na hindi ko kayang magalit today, ang gagawin ko po is magme-meditate po ako sa umaga bago mag-shower tapos magre-rage exercise po ako. It's like nagwawala po basically pero in a quiet way para hindi mo marinig sa kabilang room."

Kaya naman thankful si Claire sa mga nakaka-appreciate o naaapektuhan sa kanyang pagganap kahit maging tampulan man siya ng inis, galit, at asar.

Sa katunayan, binansagan pa siyang bagong "Pantasya ng Bayan" dahil sa kanyang sexy role.

"I'm not sure what pantasya means po but thank you whatever it means. Thank you po sa inyong lahat na nanonood. Na-a-appreciate ko po 'yung mga comments, negative or not," bahagi ng aktres.

Patuloy na subaybayan si Claire sa Nagbabagang Luha Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.