
Humahataw sa TV ratings ang pinakamainit na kwento tuwing hapon, ang Nagbabagang Luha.
Noong Martes (October 5), nakakuha ang GMA afternoon drama ng 7.4 percent rating ayon sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) people ratings na inilabas ng pinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen Philippines.
Nakakuha rin ng mataas na rating ang dalawa pang GM Afternoon Prime series na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette, na may rating na 7.7 percent, at ang The Good Daughter, na may rating na 7.5 percent.
Pinag-usapan ang October 5, 2021 episode ng Nagbabagang Luha kung saan mapapanood ang paghihiganti ni Cielo (Claire Castro) sa best friend niyang si Monina (Karenina Haniel).
Si Monina lang ang nakakaalam na hindi talaga buntis si Cielo kaya gumawa ang huli ng paraan para hindi masira ang kanyang plano na tuluyang mapaibig si Alex, (Rayver Cruz), mister ng kapatid niyang si Maita (Glaiza De Castro).
Nilagyan ng bawal na gamot ni Cielo ang bag ni Monina. May nag-tip sa mga pulis na may naganap na palitan ng droga sa area, kaya si Monina ang nadakip ng mga ito dahil may nakita sa kanyang ebidensya.
Sa parehong episode, muling inakit ng desperadang si Cielo si Alex ngunit pinaalala ng huli na wala silang relasyon at nabuntis lamang siya nito.
Nadismaya si Cielo kay Alex kaya naman nang magkita si Cielo at kanyang Ate Maita, nagpalitan sila ng maaanghang na salita.
Gusto ni Maita na bumalik na si Cielo sa kanyang pamilya pero nagbigay ito ng kondisyon--ang ipaubaya si Alex sa kanya. Gayunpaman, nanaig ang pagiging ate ni Maita at ibinigay ang gusto ng nakababatang kapatid.
Panoorin ang full episode:
Mapapanood ang huling tatlong linggo ng Nagbabagang Luha mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.