
Umani ng mahigit dalawang milyong views ang highlights clip ng episode ng Nagbabagang Luha kahapon, October 9.
Naglalaman ito ng mga eksena kung saan nakatanggap ng malulutong na sampal at masasakit na salita si Cielo (Claire Castro) mula kina Maita (Glaiza De Castro), Alex (Rayver), at Calida (Gina Alajar). Mapapanood din dito ang pangangaladkad ni Calida kay Cielo bago niya ingudngod ang mukha nito sa cake.
Sa ngayon, mayroon na itong 2.3 million views sa official Facebook page ng GMA Network sa loob lamang ng isang araw matapos itong i-upload.
Ang gumaganap sa karakter ni Cielo ay ang newbie Kapuso actress na si Cielo Castro, anak ng '90s stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.
Ayon kay Claire, na-"culture shock" siya sa mga matitinding eksena pero buti na lang daw ay nandoon ang kanyang co-stars para i-guide siya.
"Si Ate Glaiza po kasi sinasabi po niya talaga sa 'kin na hihinaan lang niya kasi ayaw niya po ako masaktan. Gano'n po kabait si Ate Glaiza.
"Sasabihin po niya sa 'yo at saka si Direk Gina po before yung mga scenes namin, mauuna po 'yung sorry," bahagi ni Claire sa exclusive interview ng GMANetwork.com.
Ani pa ni Claire, "isang karangalan" daw na masampal nina Glaiza at Gina dahil iniidolo niya ang mga ito.
Kahit na baguhan, marami ang humanga kay Claire bilang effective TV kontrabida pero, aniya, hindi mawawala sa kanya ang ma-pressure.
"Hindi naman po pressuring in a bad way siguro pressured in a good way, mas gusto ko pang matuto kung paano po mas maging effective."
Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Nagbabagang Luha, ibinahagi niya ang mga natutunan niya sa serye.
"Ang dami po like disiplina sa sarili, drive to do better. Ang dami ko pong natutunan sa mga instructions po on set na hindi ko po naranasan ever.
"Ang dami po kasing tips and tricks na binibigay sa 'kin ng mga castmates ko so I learned about saving my energy so I can do better sa next scenes.
"The best thing po I learned is discipline po talaga e, wake up early and how to conserve my energy 'til, let's say 10 p.m. pack up."
Kilalanin pa si Claire sa gallery na ito: