KILALANIN: Ang mga aktor sa 'Nakarehas na Puso,' ang pinakabagong family drama sa GMA Afternoon Prime

GMA Logo Jean Garcia, Leandro Baldemor, and Michelle Aldana in 'Nakarehas Na Puso'

Photo Inside Page


Photos

Jean Garcia, Leandro Baldemor, and Michelle Aldana in 'Nakarehas Na Puso'



Simula September 26, mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang pinakabagong family-drama na 'Nakarehas Na Puso,' na pinagbibidahan nina Jean Garcia, Michelle Aldana, at Leandro Baldemor.

Iikot ang istorya ng 'Nakarehas Na Puso' sa inang si Amelia (Jean), na makukulong dahil sa naging maling desisyon niya sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang apat na anak.

Sa paglabas niya sa kulungan, bagong mundo ang sasalubong sa kanya dahil ang kanyang asawang si Jack (Leandro) ay karelasyon na ang best friend niyang si Doris (Michelle).

Magkakawatak-watak na rin ang mga anak niyang sina Lea, Miro, at Olive samantalang namatay na si Nonoy.

Maibabalik pa kaya ni Amelia ang masaya nilang pamilya? Mapapatawad niya kaya ang kanyang sarili ngayong sa tingin niya ay siya ang puno't dulo ng pagkasira at pagkawatak-watak ng kanilang pamilya?

Bukod kina Jean, Michelle, at Leandro, tingnan kung sino pa ang ibang mga artistang bibida sa 'Nakarehas Na Puso' dito:


Jean Garcia as Amelia
Michelle Aldana as Doris
Leandro Baldemor as Jack
Vaness Del Moral as Lea
EA Guzman as Miro
Claire Castro as Olive
Ashley Sarmiento as Nica
Bryce Eusebio as Warren

Around GMA

Around GMA

Trump says Thailand and Cambodia agree to end fighting
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak