SNEAK PEEK: Pilot episode ng 'Nakarehas Na Puso'

Mapapanood na mamaya ang pilot episode ng pinakabagong family-drama ng GMA Afternoon Prime na 'Nakarehas Na Puso' na pinagbibidahan nina Jean Garcia, Leandro Baldemor, at Michelle Aldana.
Iikot ang kuwento ng 'Nakarehas Na Puso' kay Amelia, isang ina na nakulong dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak.
Sa paglabas niya sa kulungan, ibang mundo na ang kanyang maaabutan. Namatay na ang isa sa kanyang apat na anak, at may bago na ring karelasyon ang kanyang asawa.
Narito ang ilang pasilip sa pilot episode ng 'Nakarehas Na Puso.'






