SNEAK PEEK: Pagsisimula ng bagong kabanata ng 'Nakarehas Na Puso'

Simula ngayong araw, October 14, magsisimula na ang panibagong kabanata sa kuwento ng inang si Amelia sa GMA Afternoon Prime series na 'Nakarehas Na Puso.'
Matagal nang nakakulong si Amelia (Jean Garcia) kaya naman lumaki sa magkakaibang mundo ang kanyang tatlong anak na sina Lea (Vaness Del Moral), Miro (EA Guzman), at Olive (Claire Castro).
Si Lea ay isang solo parent kay Nica (Ashley Sarmiento) mula noong namatay ang ama nito.
Si Miro naman ay napariwara ang buhay at kumapit sa patalim para mabuhay samantalang si Olive naman ay kinupkop ng isang miyembro ng sindikato na dumukot sa kanya noon.
Narito ang pasilip sa naging buhay ng magkakapatid na Galang.






