GMA Logo Michelle Aldana in Nakarehas Na Puso
What's on TV

Michelle Aldana, bumalik sa Pilipinas para sa 'Nakarehas Na Puso'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 22, 2022 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Michelle Aldana in Nakarehas Na Puso


Ano kaya ang nag-udyok kay Michelle Aldana para bumalik sa Pilipinas? Alamin ang sagot DITO.

Matapos ang mahigit dalawang dekada, muling mapapanood sa telebisyon ang beauty queen at aktres na si Michelle Aldana sa upcoming GMA Afternoon Prime drama na Nakarehas Na Puso.

Taong 1998 nang talikuran ni Michelle ang pagiging artista upang manirahan sa ibang bansa.

“Marami namang mga projects na pinapasok ko dati pa, pero ito nung binigay sa akin, nabasa ko 'yung synopsis and nakita ko 'yung role, sabi ko, 'Ito na talaga. Ito na talaga 'yung role [for me,]” tapat na sagot ni Michelle sa virtual media conference ng Nakarehas Na Puso.

“It's very challenging kasi, hindi pa ako nakaarte na isang kontrabida, na sobrang kontrabida. And this is my first teleserye kasi nung umalis ako, telemovies pa lang tayo noon.”

Sa Nakarehas Na Puso, gagampanan ni Michelle ang karakter ni Doris, ang best friend ni Amelia (Jean Garcia) na mayroong tinatagong pagtingin sa asawa nitong si Jack (Leandro Baldemor).

Dagdag pa ni Michelle, oras na rin para bumalik siya sa Pilipinas dahil malaki na ang kanyang mga anak na nakatira sa South Africa.

“Time na rin kasi malalaki na rin 'yung mga anak ko. Pupwede na akong magbalik-balik, kaya sabi ko, siguro, meron talaga time lahat, e. Ito na siguro 'yung tamang oras,” paliwanag ni Michelle.

Abangan ang world premiere ng Nakarehas Na Puso simula September 26, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.

SAMANTALA, TINGNAN RITO ANG NAGING BUHAY NI MICHELLE MULA NOONG UMALIS SIYA NG PILIPINAS: