GMA Logo Jean Garcia in Nakarehas Na Puso
What's on TV

'Nakarehas Na Puso' pilot episode, umani ng papuri mula sa netizens

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 27, 2022 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia in Nakarehas Na Puso


Simula pa lang ay maganda na ang naging reaksyon ng mga manonood sa 'Nakarehas Na Puso.'

Talagang tinutukan ng mga manonood ang pinakabagong family-drama ng GMA Afternoon Prime na Nakarehas Na Puso na pinagbibidahan nina Jean Garcia, Michelle Aldana, at Leandro Baldemor.

Kahapon, September 26, nagsimula na ang kuwento ng inang si Amelia (Jean Garcia) at kung paano niya itataguyod ang kanyang pamilya. Nakilala na rin ng mga manonood ang kanyang matalik na kaibigan na si Doris (Michelle Aldana).

Sa Twitter, pinuri ng netizens ang isa na namang istorya na kapupulutan ng aral ng GMA. Simula pa lang ay nakaka-relate na ang mga manonood sa sitwasyon ng Pamilya Galang.

Narito pa ang ilang komento ng mga manonood ng Nakarehas Na Puso:

Hanggang saan kaya ang kayang gawin ni Amelia para sa kanyang pamilya?

Patuloy na panoorin ang Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.