
Hindi lang sa ratings nananalo ang GMA Afternoon Prime series na Nakarehas Na Puso dahil pati sa online ay napukaw na rin nito ang atensyon ng mga tao.
Sa video-sharing platform na TikTok, may mahigit 100 million views na ang hashtag na #NakarehasNaPuso.
Isa sa mga tumatak na eksena ng Nakarehas Na Puso sa TikTok ay ang nakakaantig na eksena ng mag-inang Lea (Vaness Del Moral) at Nica (Ashley Sarmiento). Binigay na kasi ni Lea ang lahat kay Nica maliban sa kanyang atensyon.
@rtlntn @rtlntn harvey part 3 #ashleysarmiento #nicagalang #nakarehasnapuso #foryoupage #fyp #editor #trend #unflop #nakarehasnapusoashleysarmiento #nocopyrightinfringementintended ♬ original sound - rtlntn harvey
Ano kaya ang nangyari sa relasyon ng mag-inang Lea at Nica? Patuloy na panoorin ang Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Unica Hija.
Naka-livestream din ito sa GMANetwork.com/KapusoStream samantalang mapapanood naman ang full catch-up episodes nito sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NG NAKAREHAS NA PUSO RITO: