
Mas empowered at palaban si Jillian Ward ngayong nalalapit na ang ika-21 niyang kaarawan. Sa katunayan, karamihan ng bagong leksyon na natutunan niya mula sa nakaraang taon at maging sa kanyang bagong serye na Never Say Die, tungkol sa katapangan.
Pagbabahagi ni Jillian sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas sa GMA Integrated News Interviews para sa 24 Oras, marami siyang natutunan noong nakaraang taon, dahilan para maging "bold young woman" siya na nakikita ng mga tao ngayong 2026.
"Turning 21, I think mas palaban na ako for myself. I mean mas may boundaries na po ako, mas alam ko na kung ano 'yung gusto ko for my future," sabi ni Jillian.
Nadiskubre din umano ng Star of the New Gen ang people-pleasing personality niya, bagay na nakaapekto sa kanya nang husto habang lumalaki. Ito rin umano ang isang bagay na gustong baguhin ni Jillian ngayong 2026, na unti-unti na niyang sinisimulan.
"Growing up, tapos nasa showbiz industry ako, parang all my life parang medyo may people pleasing tendencies ako, I would always say yes. Parang at a certain point, hindi ko na iniisip 'yung mental health ko basta mapasaya ko 'yung ibang tao," sabi ni Jillian.
TINGNAN ANG NAGING TRANSFORMATION NI JILLIAN MULA CHILD STAR TO TWEEN STAR SA GALLERY NA ITO:
Pag-amin ni Jillian, noon ay basta na lang niya tinatanggap ang mga opinyon at komento tungkol sa kanya dahil sa kaniyang personalidad. Kaya naman mas natutunan niya umanong ipaglaban kung sino siya talaga ngayon.
"This year natutunan ko po na 'No, this is me, this is my truth,'" sabi ng aktres.
Mula sa leksyon na ito ay natutunan din ni Jillian ang kanyang pagiging matatag at gamitin ito at ipakita sa mga manonood para ma-empower din sila, lalo na ang dumadaan sa parehong sitwasyon.
"Mas may mga pinaglalaban na po ako sa life ngayon and I want to use my voice for something bigger. Not just to entertain people, but to open up their eyes, inspire them, especially young women," sabi ni Jillian.
Gaya ng kanyang karakter sa Never Say Die na si Joey Delgado, natutunan umano ni Jillian maging matapang.
"This show po kasi, 'yung script, 'yung creatives po, sobrang naging courageous sila. Hindi po ito simpleng stoya, it's about our country, how some people in power could have used the power that they have," sabi ng aktres.
Panoorin ang panayam kay Jillian dito: