GMA Logo Jillian Ward
Image Source: jillian (Instagram)
What's on TV

Jillian Ward, nakatanggap ng birthday surprise sa set

By Marah Ruiz
Published February 24, 2026 12:52 PM PHT
Updated February 24, 2026 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Hidden gem sa Benguet na waterfalls, masisilayan na
Planned transport strike in Bacolod on April 16, 17 not pushing through

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Binigyan ng cast ng 'Never Say Die' si Jillian Ward ng birthday surprise sa set.

Nasa taping ng GMA Prime action-drama series ng Never Say Die si Star of the New Gen Jillian Ward sa mismong araw ng kanyang birthday.

Image Source: jillian (Instagram)

Kaya naman minarapat ng cast at crew ng serye na bigyan ang aktres ng sorpresa para sa 21st birthday nito na ipinagdiwang niya noong February 23.

Nagtipon ang grupo sa parking lot ng isang building para sorpresahin si Jillian paglabas nito ng elevator.

Nakatanggap siya ng tig-iisang bouquet mula sa kanyang male co-stars na sina Pambansang Ginoo David Licauco, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, at Kim de Leon.

Cake naman ang bitbit ni Jonathan "Tanjo" Villoso at ng isa sa mga direktor ng serye na si Richard Arellano.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Patuloy na panoorin ang action-drama series Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.

May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

SAMANTALA, SILIPIN ANG 21ST BIRTHDAY SHOOT NI JILLIAN WARD DITO: