Article Inside Page
Showbiz News
Una silang nagkasama sa 2012 Indie film, na 'Lilet Never Happened' at umani sila ng parangal sa iba't ibang film festivals abroad. Ngayong taon, muling magsasama ang dalawa sa GMA Telebabad show na 'Niño'.
By AL KENDRICK NOGUERA
Taong 2012 nang bumida sa isang Dutch independent film si Sandy Talag. Ginampanan niya ang isang sensitive role sa pelikulang
Lilet Never Happened at umani ito ng napakaraming parangal.
Ang pelikula ay tungkol sa isang batang babae na ibinubugaw ng kanyang ina para maging isang prostitute. 11 years old pa lamang noon si Sandy pero sumabak na agad siya sa isang sensitibong role.
Ayon kay Sandy, maraming Pilipino ang nakatrabaho niya sa paggawa ng international film. Karamihan daw sa mga ito ay sikat na theater actors.
Pero aniya, may isang pangalan daw ang nagpahanga sa lahat. “Si Tita Angeli Bayani, nanay po ko siya roon eh,” pahayag ni Sandy.
“Napaka-humble po niya (Angeli) kasi kung tutuusin ang galing-galing kaya niya. Noong nakasama ko po siya noon, talagang nagpapalakpakan 'yung mga tao kasi ang galing-galing niya. Eh lalo na po na Nanay ko po siya doon, siya 'yung nagtutulak sa 'kin para ibenta 'yung katawan ko,” bahagi ni Sandy.
Dahil daw kay Angeli ay hindi nahihirapan si Sandy sa pag-arte. Aniya, “Light lang po 'yung set lalo kasi siya po 'yung madalas kong kakwentuhan. Nagiging light, [kasi] kung gaano siya kagaling napapasama ako.”
Sa pinagsamang galing nina Sandy at Angeli sa pelikula, nagresulta ito ng iba’t-ibang parangal mula sa movie festivals sa buong mundo. Sa katunayan nga raw ay umabot na sa 18 awards ang nakuha nila. At dahil dito, nakarating na sa iba’t-ibang bansa si Sandy tulad sa Europe.
Pagkatapos ng halos dalawang taon, muli na namang nagsama sa isang proyekto ang dalawa dahil sa
Niño. Si Sandy ang gumaganap sa role ni Tiny, ang masamang teen ager na ayaw kay Niño.
Samantala, ang character naman ni Angeli ay si Belen. Siya ang tsismosang kapitbahay nina Niño na madalas na nabubuntis ng asawa.
Tunghayan ang muling pagsasama nina Sandy Talag at Angeli Bayani sa Niño, weeknights after 24 Oras on GMA Telebabad.