What's on TV

Jay Manalo on Miguel Tanfelix: “Malayo ang mararating niya”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 9, 2020 12:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Kinumusta ng '24 Oras' ang batikang aktor at sinabi niyang nasisiyahan siya sa mga katrabaho niya sa 'Niño' lalo na sa bida nito na si Miguel Tanfelix.
By AL KENDRICK NOGUERA



Napakahusay ng mga aktor na gumaganap sa characters ng GMA Telebabad soap na Niño tulad ni veteran actor Jay Manalo.

Sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute, binisita daw niya sa taping ang cast ng Niño. Isa nga sa mga nagpaunlak sa interview si Jay.

Kinumusta ng 24 Oras reporter ang batikang aktor at sinabi niyang nasisiyahan siya sa mga katrabaho niya sa show. Mahuhusay daw ang co-actors niya lalo na ang bida na si Miguel Tanfelix.

“I think si Miguel, malayo ang mararating [niya]. Not just because siya 'yung bida ha. Not because kasama ko siya. Nakita kong may lalim 'yung bata eh,” pahayag ni Jay.

Mayroon ding ibinahagi si Jay na nangyari sa kanya kamakailan lang. Bigla na lang daw may sumita sa kanyang matanda.

"May isang matanda na lumapit. Una hinila niya ako, sabi niya, inis na inis daw siya sa akin. Nagulat naman ako," kuwento ni Jay.

Ayon pa sa aktor, alam niya naman daw ang dahilan kung bakit nagagalit sa kanya ang matanda. Dahil daw ito sa character niyang si Lucio na kontrabida sa Niño.

Pero aniya, imbis na mainis ay natuwa na lamang siya na may nagagalit sa kanya na manonood. Bahagi ni Jay, “It feels good. At least na-justify ko kung ano 'yung dapat kong gawin sa role ko.”