What's on TV

WATCH: Reel to real life couples na nauwi sa hiwalayan

By Bianca Geli
Published February 7, 2020 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Reel to real life couples na nauwi sa hiwalayan


Kilalanin kung sino ang celebrity love teams na nagkamabutihan on-cam pero naghiwalay din.

Maraming showbiz couples ang nag-umpisa bilang onscreen partners hanggang sa nauwi sa totohanang relasyon ngunit naghiwalay din.

Isa na rito sina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na unang naging onscreen lovers noong '90s. Nagkaroon sila ng secret wedding noong 1984 at naging bunga ng kanilang pagsasama ang anak nilang si KC Concepcion.

READ: Sharon Cuneta, nag-beast mode nang tawaging "toxic mom" kay KC Concepcion

Kahilera namang ng henerasyon ng ShaGab sina Aga Muhlach at Janice de Belen. Teenagers pa lamang noong naging loveteam sina Aga at Janice. Naging kontrobersyal ang dalawa nang mabuntis si Janice sa edad na 18. Pinili mang hindi magpakasal ng dalawa, magkaakibat nilang ipinalaki ang anak nilang si Luigi.

Panoorin ang ilan pang reel to real showbiz couples mula noon hanggang ngayon: