What's on TV

Wendell Ramos, ayaw magpa-makeup kapag kaeksena ang 'Onanay' star na ito?

By Jansen Ramos
Published October 3, 2018 11:51 AM PHT
Updated October 3, 2018 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinos in Czechia, Germany celebrate Sinulog in Prague
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Sino'ng 'Onanay' co-star ni Wendell Ramos ang makakaeksena niya kaya ayaw niyang magpalagay ng makeup?

Ibinahagi ng nagbabalik-Kapusong si Wendell Ramos sa Instagram ang kanyang paghahanda bago sumalang sa set ng Onanay.

Normal na para sa mga artista mapa-babae man o lalaki ang pagme-makeup para lalong gumanda ang kanilang rehistro sa camera.

Pero si Wendell, tila may pinipiling kaeksena bago magpa-make up?

Panoorin ang video na ito:

Good morning!. taping day for #onanay

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial) on

Biro ng 40-year-old hunk actor, "Ewan ko ba kung bakit pinapa-fresh pa 'yung mukha ko ngayon... e ang kaeksena ko naman [si Pekto!] 'Di na, okay na kahit 'di na ko mag-makeup!"

Ginagampanan ni Wendell ang papel ni Lucas sa Onanay, samantalang si Pekto naman ay si Hector.

Samantala, narito ang mga dapat abangan ngayong Miyerkules, October 3, sa hit teleserye.