What's on TV

Edgar Allan Guzman, gaganap bilang kontrabida sa 'One of the Baes'

By Bianca Geli
Published September 17, 2019 4:27 PM PHT
Updated September 18, 2019 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Matapos ang 'Dragon Lady,' balik teleserye ang Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman para sa 'One of the Baes.'

Matapos ang 'Dragon Lady,' balik teleserye ang Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman para sa One of the Baes kung saan gaganap siya bilang si Charles, ang nakatatandang kapatid ni Grant (Ken Chan).

Titigan tayo? Game?

A post shared by EA Guzman (@ea_guzman) on

Kuwento ni Edgar Allan, “Kontrabida talaga ako rito. First time kong makatrabaho si Ken and dito, hindi lang ako bully, pero masama talaga akong kapatid sa kaniya.

“Lagi ko siyang nile-let down, wala akong tiwala sa kaniya, lagi ko siyang dyina-judge sa lahat ng ginagawa niya, minamaliit ko siya. At pinapares ako kay Rita, ako 'yung ka-love triangle nila. May gusto rin ako kay Rita.”

Kahit magkaribal ang karakter nina Edgar Allan at Ken, magkasundo raw sila nito offcam. Aniya, “Okay kami ni Ken. Mabait naman si Ken, jolly person.”

Abangan si Edgar Allan bilang Charles sa One of the Baes, ngayong September na sa GMA Telebabad.

Matira ang matibay kina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz sa 'Dear Uge'