
Mapapanood na sa GTV ang Korean romantic-comedy series na One The Woman na pinagbidahan ng Miss Universe 2007 3rd runner-up na si Lee Ha-nee.
Magbibigay excitement tuwing hapon si Lee Ha-nee bilang sina Julie at Mina, kasama sina Lee Sang-yoon bilang Steve, Jin Seo-yeon bilang Vicky, at Lee Won-geun bilang Kevin.
Magsisimula ang kuwento ng One The Woman nang masangkot sa isang aksidente ang palabang prosecutor na si Julie at magising na tinatawag na siyang Mina ng lahat.
Si Mina ay isang api-apihang asawa mula sa mayamang pamilya. Siya ang bunsong anak ng Yumin Group at ikalawang manugang ng maimpluwensyang pamilya ng Han. Dahil anak sa labas, hindi maganda ang pakikitungo ng dalawang pamilya sa kanya.
Pero nagbago ito simula nang tumira si Julie sa pamilya ng Han bilang si Mina. Hindi siya pumayag na api-apihin at unti-unting ibinunyag ang sikreto ng pamilyang Han.
Abangan ang One The Woman simula December 22, weekdays, 2:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG 'ONE THE WOMAN' SA GALLERY NA ITO: