GMA Logo One True Love
What's on TV

'One True Love,' mapapanood na ngayong hapon!

By Marah Ruiz
Published August 10, 2020 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

One True Love


Muli nang mapapanood ang seryeng 'One True Love' simula ngayong Lunes, August 10, sa GMA Afternoon Prime.

Narito na ang pinakahihintay na re-airing ng 2012 hit drama series na One True Love.

Mapapanood dito si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa unang beses niyang pagganap bilang bida ng isang primetime serye.



Gaganap siya dito bilang si Tisoy, isang binatang laki sa hirap at nagtatrabaho sa pier.

Iibig siya kay Elize, na gagampanan ni Louise delos Reyes, na anak naman ng prominenteng negosyante sa kanilang lugar.

Ipaglalaban nila ang kanilang pagmamahalan mula sa mga magulang na pilit silang paghihiwalayin dahil sa magkaibang estado ng kanilang mga buhay.

Muling balikan ang tunay na pag-ibig nina Tisoy at Elize sa One True Love Lunes hanggang Biyernes simula August 10, 4:15 pm sa GMA Afternoon Prime.