GMA Logo Open 24 7 trending premiere
What's on TV

Pilot episode ng 'Open 24/7,' umarangkada sa TV ratings

By Aedrianne Acar
Published May 30, 2023 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Express: December 21, 2025 [HD]
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Open 24 7 trending premiere


Congratulations, Team 'Open 24/7!'

Hindi lang trending online, kundi nakapagtala rin ng mataas na TV ratings ang grand opening ng Open 24/7 na pinagbibidahan nina Jose Manalo, Maja Salvador, at Bossing Vic Sotto.

Talagang pinag-usapan online at sa Twitter Philippines ang unang patikim ng kulitan nina Spark, Mikaela, at Boss EZ nitong Sabado ng gabi.

At base sa datos mula sa NUTAM People Ratings, nakakuha ang Open 24/7 ng 8.3 percent na higit na mataas sa mga katapat nitong programa.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang cast ng comedy show para sa mainit na pagtanggap ng manonood at sa mataas na ratings na nakamit nila sa first episode.

Samantala, 'tila hindi maganda ang unang pagkikita nina Boss EZ (Vic Sotto) at Mikaela (Maja Salvador).

May pag-asa pa kaya ang kikay girl natin na matanggap sa convenience store kung malaman niya na si EZ ang bossing?

Balikan ang ilan sa nakakatawang tagpo sa grand premiere ng Open 24/7 DITO:

Boss EZ, gigil kay Mikaela!

Delivery rider o Kitty's new lover?

Mikaela, ang nagmamagandang aplikante!

Kokoy, ang bagger na may pleasing personality!

Sales talk ba ang hanap mo? Si Andoy ang sagot diyan!

MEET THE CAST OF OPEN 24/7: