
When it rains, it pours.
Ito ang pinatutunayan ng Open 24/7 actors na sina Allen Ansay at Sofia Pablo dahil sa awards na nakuha nila ngayong Disyembre.
Last week, kinilala ang Sparkle loveteam bilang Makabata Star 2023 awardee sa idinaos na Anak TV awards.
Parehong nagpaabot ng pasasalamat sina Allen at Sofia sa lahat ng bumubuo ng Anak TV sa natanggap nilang award.
Post ng Kapuso heartthrob sa Instagram, “Maraming salamat Anak TV sa pagtitiwala sakin na maging Makabata Star. Maraming salamat po Anak TV, kay Ms. Elvira at sa lahat po ng bumubuo sa Anak TV. Salamat din po sa mga magulang na nagtiwala po sa akin para maging inspirasyon ng mga kabataan. Ipapagpatuloy namin ang pag gawa ng mga programa na makakapag bigay aral sa mga kabataan. Congratulations sa atin Aki @sofiapablo.”
SWEETEST MOMENTS OF ALFIA:
Nakatanggap din ang AlFia ng special award nang dumalo sa 2023 TikTok Creators Night na ginanap noong December 10 sa Rizal Park Hotel. Itinanghal silang bilang Power Couple of the Night.
Samantala, ibinigay naman kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang Breakthrough Creator of the Year at kinilala naman si Gabbi Garcia bilang isa sa Philippines' Most Popular Artists sa Creators Night 2023.