Open 24/7: Pooh, makikipag-collab kay Kitty!

GMA Logo Open 24/7 episode on Oct 21

Photo Inside Page


Photos

Open 24/7 episode on Oct 21



May mangyayaring masayang crossover sa hit Kapuso sitcom na Open 24/7 dahil makikigulo sa crew nina Boss E.Z. (Vic Sotto) ang Kapamilya comedian na si Pooh!

To the rescue kay Kitty (Sofia Pablo) si Pooh na nalulungkot dahil wala pa rin siyang mga project.

Isa-suggest ni Bekbek (Riel Lomadilla) na mag-collab sila ni Pooh. Plano nila, palabasin sa KLICK KLOCK app na may relasyon sila!

Paano magre-react dito si AL (Allen Ansay)?

At itong si Mikaela (Maja Salvador), sasakit ang ulo matapos kumalat ang isang embarrassing moment niya sa social media!

Ano ang magiging epekto nito sa social life niya?

Huwag papahuli sa good times na hatid ng 'Open 24/7' na mapapanood sa oras na 9:15 pm sa Sabado Star Power sa gabi ngayong October 21.


Pooh
Love team
AL
Scandal
Open 24/7

Around GMA

Around GMA

PRO-11, gipaniguro nga walay hulga sa seguridad | One Mindanao
Lisensiya ng driver ng pick-up truck na nambatok sa nagkakariton, binawi na ng LTO
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!