Open 24/7: Doe, this guy is in love with you pare!

May blooming yata na new relationship sa Open 24/7, pero ang catch, hindi sila AL (Allen Ansay) at Kitty (Sofia Pablo)?
Darating ang childhood best friend ni Doe (Bruce Roeland) na si Hiro (Carlo San Juan).
Sobrang close ng dalawang hunky guy, to the point na pinagdudahan ni Fred (Abed Green) si Hiro na may gusto ito kay Doe.
Tama kaya ang hinala ng mga “orb” ni Doe tungkol sa kababata niya?
Samantala, problemado si Mikaela dahil napapansin nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) na tila out of touch na si Mike.
Kabado tuloy si Mikaela na baka mabuko na ang kaniyang sikreto!
Ano kaya ang maiisip na plano ni Mikaela para di mabulilyaso ang kaniyang tinatagong identity?
Makikisaya sa episode this weekend ang Sparkle hunk na si Carlo San Juan!
FUN FACTS ABOUT CARLO SAN JUAN:
Heto pa ang mga best moments na aabangan n'yo sa Open 24/7, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) ngayong December 2.





