Open 24/7: Malabo ang graduation ni Kitty?

Exciting ang darating na Sabado para sa pamilya nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo), dahil si Kitty (Sofia Pablo) malapit na ang graduation.
Pero, mukhang magkakaroon ng problema ang dalaga sa pag-complete ng kaniyang requirements.
Ang hindi alam ni Spark, ang guro ni Kitty na si Mr. Manlabo (Jayson Gainza) ay ang dating kaklase niya na binu-bully niya noon!
Si Kitty ba ang sasalo ng bigat ng paghihiganti ni Mr. Manlabo laban sa kaniyang ama?
Maka-graduate pa kaya ang dalaga o maayos ni Spark ang gusot nila ng kanyang former classmate?
Heto ang pasilip sa kulit episode ng Open 24/7 ngayong Sabado ng gabi, February 3.





