Open 24/7: Pretty sekyu, niligtas si Boss E.Z.

Girl power ang masasaksihan sa 'Open 24/7' ngayong Sabado ng gabi!
Ang bida natin na si Boss E.Z. (Vic Sotto), susubukang biktimahin ng mga kriminal. Buti na lang to the rescue ang pretty security guard na si Lady (Lianne Valentin).
Bilang pasasalamat ni E.Z., aanyayahan nito si Lady na sumama sa convenience store para matulungan naman ito sa suliranin niyang pinansyal.
Tama kayang pagkatiwalaan ng kapatid ni Spark (Jose Manalo) ang taong bago pa lang niyang kilala?
Totoo kaya na isang sekyu si Lady o baka isa rin siyang kawatan?
Tuloy ang good moments sa all new-episode ng Open 24/7, tuwing Sabado sa oras na 9:30 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).




