Open 24/7: Ang pagdating ni Eva!

GMA Logo Yvette Sanchez on Open 24/7

Photo Inside Page


Photos

Yvette Sanchez on Open 24/7



Tuloy-tuloy ang paghahatid ng matinding tawanan ng Open 24/7 sa darating na Sabado ng gabi!

Problemado ang convenience store nina Boss E.Z. (Vic Sotto), dahil wala si Mikaela (Maja Salvador).

Kaya naman nag-decide sina E.Z. at Spark (Jose Manalo) na mag-hire ng temporary cashier at ito ay walang iba kung hindi si Eva (Yvette Sanchez)!

Pero, mukhang magugulo ang buong Open 24/7 convenience store dahil sa angking ganda at kaseksihan ng bagong kahera.

Makatulong kaya si Eva sa negosyo ni Boss E.Z. o mang-akit lang ito ng sandamakmak na gulo sa kanila?

Heto ang pasilip sa funny new-episode ng Open 24/7, ngayong January 24 sa oras na 9:30 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).


Cashier
Flex
Eva
Spark
Open 24/7

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.