Open 24/7: Boss E.Z., iniisnab ang bago nilang staff

Magugulat si Boss E.Z. (Vic Sotto) dahil may magbabalik from his past ngayong Sabado ng gabi!
Mukhang hindi siya komportable nang makita niya ang bagong hire na cashier ni Spark (Jose Manaloto).
Siya ay walang iba kundi si Margarita (Maricel Laxa) na may special place sa puso ni Boss E.Z.!
Bakit kaya iwas na iwas ang guwapo nating bida sa bago at maalaga nilang kahera?
Narito ang pasilip sa funny new episode ng Open 24/7 kasama ang TV-movie actress na si Maricel Laxa ngayong Sabado, March 2, 9:30 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).




