Open 24/7: Boss EZ's birthday bash!

It's a funtastic birthday episode dahil special day ng paborito nating bossing sa Open 24/7 convenience store na si E.Z. (Vic Sotto)!
Pero ang malaking tanong, maging stress-free kaya ang kaarawan ng kapatid ni Spark (Jose Manalo) o ma-o-overwhelm lang siya sa mga aasikasuhin sa kanilang convenience store business?
Abangan ang mangyayari sa big celebration natin this Saturday night lalo na at makakasama natin ang viral OPM singer at actor na si Ice Seguerra!
Tutukan ang tawanan sa paboritong sitcom ng bayan na Open 24/7 sa oras na 9:15 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) ngayong April 27.




