
Trending na, humakot pa ng samu't saring papuri ang Kapuso rom-com series na Owe My Love sa pilot week nito.
Noong nakaraang Lunes, February 15, ipinalabas na ang pinagbibidahang rom-com series nina Lovi Poe at Benjamin Alves. Unang araw pa lang ay pinag-usapan na ang Owe My Love. Nagpatuloy pa ang pag-trend nito sa mga sumunod na araw.
Marami ang pumuri sa Owe My Love dahil sa nakakakilig na love teams na pinangungunahan ng team #SenMig, husay ng mga batikang artista sa pagpapatawa, at quality ng cinematography ng programa na nasa direksyon nina Rember Gelera at Ray Gibraltar kasama ang Directors of Photography na sina Alex Espartero at Maisa Demetillo.
Komento ng isang manonood na may ngalang Cowlang 11 sa YouTube, “Grabe 'yung casting, pang comedy talaga at Lovi Poe. Pati cinematography ang galing! Nice one.”
Pagsang-ayon din ng YouTube user na si Sean Luis A. Cambel, “Grabe ang ganda ng show, hindi tinipid at ang dami ng casts. More power pa sa mga projects ng GMA Public Affairs.”
Agad ding umabot sa 1 million views ang full trailer ng Owe My Love dahil sa pagtutok at suporta ng mga manonood.
Mapapa-OML ka talaga! Salamat, mga Kapuso!
Huwag palampasin ang Owe My Love tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 P.M. sa GMA!