GMA Logo owe my love
What's on TV

PANOORIN: Blooper reels ng 'Owe My Love'

By Cherry Sun
Published June 4, 2021 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

owe my love


Laugh trip muna bago ang inaabangang finale ng 'Owe My Love' mamayang gabi!

Ipinasilip ng Owe My Love ang ilan sa mga nakakatawang eksena sa likod ng camera bago ang inaabangang final episode ng Kapuso rom-com series mamayang gabi.

Ang saya at katatawanan na napapanood natin sa Owe My Love, nangyayari rin talaga behind the scenes!

Wala pang isang buwan simula nang ipalabas ang programa, nakaipon na agad ito ng nakatatawang outtakes mula sa kanilang taping. At talagang hindi naubusan ng funny moments sina Lovi Poe, Benjamin Alves, at iba pang Owe My Love actors.

Nagkalituhan sa pagbitaw ng linya, nawala sa character dahil sa katatawa, at mga pag-awra sa camera--lahat ng 'yan mapapanood sa dalawang blooper reels na inilabas ng Owe My Love sa kanilang social media account.

Panoorin dito:

Huwag palampasin ang finale ng Owe My Love mamayang gabi, 9:35 P.M. sa GMA Telebabad!

#SenMig pa rin!