What's on TV

EXCLUSIVE: Elizabeth Oropesa pangarap gumanap bilang pipi on screen

By Jansen Ramos
Published October 2, 2018 6:09 PM PHT
Updated October 4, 2018 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Something soft, something long, something shiny: 7 Christmas gift ideas for different categories
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Nais ni Elizabeth Oropesa na gumanap bilang pipi dahil 'gusto kong mapatanuyan na maiintindihan ng tao 'yung gusto kong sabihin kahit hindi ako nagsasalita. 'Yan ang dream role ko.'

Dekada '70 nang pasukin ng critically-acclaimed actress na si Elizabeth Oropesa ang show business.

Una siyang nakilala sa 1974 Celso Ad. Castillo film na Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa kasama si Miss Universe 1969 Gloria Diaz.

Kabi-kabila rin ang natanggap niyang acting awards sa pinilakang tabing, kabilang na ang kanyang grand slam win para sa 1999 Joel Lamangan film na Bulaklak ng Maynila.

Pinatunayan din ni La Oro ang kanyang pagiging versatile actress sa telebisyon, mapa-drama o comedy.

Kaya sa pinakabagong handog ng GMA, ang Pamilya Roces, kakaibang La Oro daw ang mapapanood dito.

Gagampanan niya ang papel ni Violet Bolocboc, ang mistress ni Rodolfo na bibigyang-buhay naman ni Roi Vinzon.

Sa isang eksklusibong panayam, nagbigay siya ng detalye tungkol sa kanyang role. "Campy ako dito kasi ako 'yung kabit na una na dating naging beauty queen na nakakatawa, kalog, gold-digger ang dating, pero mahal na mahal ang anak. 'Yung relationship niya sa kanyang anak ay nakakatawa. At tsaka lahat ng ginagawa niya pati sa pananamit, nakakatawa kasi wara-wara, sali-saliwa, walang tama.”

Sabi pa ni La Oro, "I love doing characters like that. Alam mo 'yung isang nakakatuwang parte ng aming trabaho as far as I'm concerned, 'yung characters na iba-iba nagagawa namin, parang palaging playtime.”

Sa dami ng kanyang ginawang pelikula at serye, may gusto pa kaya siyang gawing role?

Bahagi niya, “Hindi ko pa nagagawa 'yung pipi. Gusto ko magkaroon ng role na pipi o bulag kasi gusto kong mapatanuyan na maiintidihan ng tao 'yung gusto kong sabihin kahit hindi ako nagsasalita. Mahirap 'yun. 'Yan ang dream role ko.”

Muling makakasama ni La Oro sa Pamilya Roces ang kanyang kaibigang si Gloria Diaz at si Joel Lamangan bilang direktor ng serye.

Abangan ang kanilang riot reunion this Monday, October 8, sa GMA Telebabad.