What's on TV

Kim Rodriguez compares Eliana to Josephine

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 21, 2020 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Kung last year ay ibinigay ng Kapuso Network kay Kim ang kanyang kauna-unahang lead role sa Afternoon Prime soap na 'Kakambal ni Eliana', ngayong 2014 naman ay sinundan agad ito ng isa pang teleserye na siya rin ang bida. Ito ay ang 'Paraiso Ko’y Ikaw'.

Maganda ang itinatakbo ng career ngayon ni Kapuso actress Kim Rodriguez. Una siyang nakita sa TV kasama ang GMA Tweens sa show na Reel Love presents: Tween Hearts.

Kung last year ay ibinigay ng Kapuso Network kay Kim ang kanyang kauna-unahang lead role sa Afternoon Prime soap na Kakambal ni Eliana, ngayong 2014 naman ay sinundan agad ito ng isa pang teleserye na siya rin ang bida. Ito ay ang Paraiso Ko’y Ikaw na apat na linggo nang ipinapalabas sa GMA Telebabad.

Katambal niya rin sa bagong show ang leading man niya noon sa Kakambal ni Eliana na si Kristoffer Martin. Tila nagustuhan ng mga manonood ang love team nina Kim at Kristoffer kaya’t magkasama na naman sila sa iisang show.

Kuwento ni Kim, hindi na siya nanibago sa character niyang si Josephine sa Paraiso Ko’y Ikaw dahil mayroon itong pagkakatulad sa huling ginampanan niya bilang Eliana. Pareho daw kasi silang lumaki nang walang kaalam-alam sa nangyayari sa mundo.

“Pero kasi si Eliana, wala siyang alam sa labas. Wala siyang alam sa labas kasi doon lang siya sa basement lumaki. Si Josephine naman, wala ring alam sa Manila kasi doon siya sa isla lumaki,” paliwanag niya.

Pero ayon kay Kim, marami ding pagkakaiba sina Eliana at Josephine. Isa na rito ang taong nagpalaki sa kanila. “Si Eliana kasi lumaki siya sa basement kasama 'yung lolo niya. Si Josephine naman lumaki siya kasama 'yung tatay-tatayan niya so hindi niya kamag-anak,” saad niya.

Bukod pa rito, ang pinakamalaking pagkakaiba raw sa dalawang roles ni Kim ay ang mga personalidad nito. “Si Eliana parang pa-tweetums pa siya eh. Pa-tweens pa pero itong si Josephine, medyo mature 'yung role niya. Medyo daring na siya eh.”

Kanino kina Eliana at Josephine nakikita ni Kim ang sarili niya in real life?

“Sa sarili ko, siguro si Josephine kasi bilang coming of age siya eh. Bilang ako 19 na ako,” pahayag ng Paraiso Ko’y Ikaw star.

Patuloy na subaybayan si Kim Rodriguez kasama si Kristoffer Martin sa Paraiso Ko’y Ikaw, weekdays after Tale of Arang on GMA Telebabad. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com