What's on TV

Beki nga ba si Robert?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 8:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Malaking palaisipan pa rin sa maraming Kapuso televiewers kung ang paboritong family driver natin sa 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento' na si Robert ay isang ‘beki.’ Ano sa palagay ninyo?
By AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com


Malaking palaisipan pa rin sa maraming Kapuso televiewers kung ang paboritong family driver natin sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento na si Robert (played by Arthur Solinap) ay isang ‘beki.’

Para sa creative director at comedy genius na si Michael V, mas dapat daw niyo tutukan ang gumaganda pang mga episode sa Pepito Manaloto para malaman niyo ang sagot sa million dollar question na 'yan.

Ani ni Bitoy, “Maraming nagtatanong dun sa totoong kasarian ni Robert kasi mayroong mga senyales daw na parang bakla siya dahil ‘yung mga ginagamit niyang salita, bakla.”

“Pero pag tiningnan mo naman, parang hindi eh. Ang sagot diyan siguro dapat abangan niyo na lang,” ang mapanukso niyang pahayag.

Dagdag pa ni Michael V, marami daw silang plano para sa karakter ni Robert dahil hindi nauubos ang mga concepts at ideas para sa ‘not-so-gay’ driver ng show.

“Isa ito sa mga napakagandang parang gasolina para dun sa show. It’s a fuel para sa show na puwedeng paglaruan. So hanggang ngayon, sinasadya naming gawin misteryo ‘yung pagkatao niya, pero wala po kaming kinukumpirma na bakla siya o hindi siya bakla 'yun lang.”