Throwback: Off-cam bonding ng Pepito Manaloto actors

Mahigit isang dekada nang nakakasama ng mga manonood ang nakaaaliw na cast ng award-winning sitcom na 'Pepito Manaloto,' na pinangungunahan nina comedy genius Michael V., Manilyn Reynes, Jake Vargas, at Angel Satsumi.
Ang sitcom ay tungkol sa buhay nina Pepito (Michael V.) at asawa niya na si Elsa (Manilyn) na nagbago at umunlad ang buhay nang tamaan ng una ang jackpot prize sa lotto.
Bukod sa kanila, bahagi rin ng programa sina John Feir, Ronnie Henares, Arthur Solinap, Mosang, Chariz Solomon, Maureen Larazabal, Janna Dominguez, Jessa Zaragoza, Nova Villa, Cherry Malvar, Tony Lapena, at marami pang iba.
Sa loob ng maraming taon, nabuo ang matibay na samahan sa pagitan ng mga cast at crew ng 'Pepito Manaloto.' Balikan ang ilang sa mga naging bonding nila off-cam sa gallery na ito:



















