
Mas masaya ang long weekend n’yo mga Kapuso lalo na sa panalong episode ng paborito ninyong sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.
Tulad ba kayo ni Tommy na mahilig mangutang? Puwes para sa inyo ang kuwelang episode natin this Saturday night dahil tiyak hindi lang kayo matatawa kundi may matutunan pa kayo.
Sulitin ang mahabang bakasyon at sama-samang manood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend.