
Walang pagsidlan ng tuwa ang Kapuso singer/comedienne na si Manilyn Reynes na muli niyang nakasama sa high-rating sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ang dating mainstay sa show na si Carmina Villarroel.
Pinag-usapan last week ang magiging guesting ni Carmina na gumanap noon sa karakter ni Maricar.
Sa Instagram post naman ni Manilyn, umamin ang magaling na aktres na sobra niyang na-miss si Carmina.
Aniya, “Na- miss kita, @mina_villarroel! Hindi ka pa rin nagbabago, nakakatawa at bungisngis ka pa rin!”
Balik primetime din ang misis ni Zoren Legaspi dahil makakasama ito sa isang soap na pagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix soon.