“Pepito, my friend!”
Automatic na para sa marami kapag naririnig ang mga salita na 'yan dahil signature intro 'yan ng resident scoundrel at matinik na mangutang na si Tommy played by versatile actor and director Ronnie Henares.
Tiyak mapapakamot ng ulo ang karakter ni Michael V. na si Pepito sa tuwing lalapit sa kanya ang kaibigan para humingi ng pera.
Not to mention, halos lahat yata ng beloved characters natin sa award-winning sitcom na 'Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento' ay nautangan na ni Tommy.
Kung kayo ang kapitbahay o kaibigan ni Tommy, papautangin n’yo kaya siya?