
Naalala nyo pa ba ang winning moment ni Pepito Manaloto sa lotto? Tumama siya ng tumataginting na Php 700 million!
Ang winning lotto combination na: 07-05-12-17-04-18, ang tuluyan bumago sa buhay niya at sa misis nito na si Elsa.
Sino ang mag-aakala na walong taon matapos ito ipalabas sa telebisyon, ang sitcom na Pepito Manaloto ay patuloy pa ring namamayagpag tuwing Sabado ng gabi at isa sa multi-awarded shows ng Kapuso Network.
Sa Pepito Manaloto Talk episode noong 2016, ikinuwento ng bida nito at creative director na si Michael V na inspirasyon nila sa bawat episode ng kanilang sitcom ang tunay na buhay ng mga ordinaryong tao.
Paliwanag ni Bitoy, “Since tunay na kuwento 'yun palagi kong sinasabi sa mga nagtatanong sa akin, totoong kuwento talaga ng mga kaibigan, ng cast, ng mga kakilala ng kakilala. Friend of a friend,”
Dagdag din ng direktor nila na si Bert de Leon na maraming makakarelate sa pamilya nina Pepito at Elsa.
Saad ni Direk Bert, “Napakalapit sa tunay na buhay kaya natural na natural. Pati 'yung values, pati 'yung papaano sila makipagkapwa tao. The Manaloto family is a very likeable and lovable family.”
Balikan ang Pepito Manaloto Talk episode sa video below.