
Mas masarap magpahinga tuwing weekend kapag tumutok sa tawanan na may kapupulutan ding aral sa high-rating Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.
This Saturday, December 8, may misyon si Pitoy na pansamantalang magpanggap na janitor sa PM Mineral Water para sa assignment nila sa isang workshop.
Pakitungahan kaya ng maganda si Pepito ng mga bagong empleyado, kahit isa lamang siyang hamak na janitor sa kumpanya?
Star-studded ang celebrity guest ng Pepito Manaloto this week. Una na diyan ay mapapanood ang mga Cain at Abel stars na sina Lindsay Johnston at Vince Vandorpe.
Makakasama din sa episode ang 'Pambansang Abs' na si Jak Roberto, Thea Tolentino, Mikoy Morales, Jeric Gonzales, Klea Pineda at Shaira Diaz. Makikigulo din sa multi-awarded sitcom ang Binibining Pilipinas Miss Universe na si Nina Ricci Alagao at Matthew Mendoza.
Tampok din sa episode ng Pepito Manaloto ang kapatid ni Chariz Solomon na si Fourth Solomon!
Kumpletos rekados ang handog ng Pepito fambam this December 8. Tutukan ang all-out tawanan na hatid ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento kaback-to-back sina Maine Mendoza at Vic Sotto sa Daddy's Gurl!