What's on TV

LOOK: Manilyn Reynes, proud sa mga anak niya sa 'Pepito Manaloto' 

By Aedrianne Acar
Published February 6, 2019 12:07 PM PHT
Updated February 6, 2019 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



'Proud mom' si Manilyn Reynes para sa mga narating na kanyang mga 'anak-anakan' sa 'Pepito Manaloto,' sina Jake Vargas at Angel Satsumi.

Sa tagal na ng kanilang pagsasama itinuturing na ng actress-singer na si Manliyn Reynes na parang tunay na niyang anak ang mga co-stars niya sa Pepito Manaloto na sina Jake Vargas at Angel Satsumi.

Manilyn Reynes
Manilyn Reynes

#FlashbackFriday: Naalala n'yo pa ba ang 'poorita' days nina Pepito at Elsa?

Gumaganap na Elsa si Manilyn sa multi-awarded Kapuso sitcom, samantalang binibigyan buhay naman nila Jake at Angel ang karakter na sina Chito at Clarissa na mga anak naman ng mag-asawang Manaloto.

Sa Instagram post ng magaling na aktres, sinabi nito na proud siya kina Jake at Angel at nakakataba ng puso na makita na lumaki na mabait at maayos ang dalawa.

Ani Manilyn, “Bihira lang kaming magpa-picture. Para ko na talagang silang mga anak. At ang magulang, 'pag nakikitang lumalaking mababait at maaayos ang mga anak ( on & off-screen ), ang saya ng puso️. Proud ako sa inyo, @jhake at @sayakasatsumi10 ! @gmanetwork @PepitoManaloto7”

Bihira lang kaming magpa-picture😊Para ko na talagang silang mga anak. At ang magulang, 'pag nakikitang lumalaking mababait at maaayos ang mga anak ( on & off-screen ), ang saya ng puso❤️Proud ako sa inyo, @jhake at @sayakasatsumi10 !😊💕😘 @gmanetwork @PepitoManaloto7

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27) on

Nagpaabot din ng pasasalamat si Manilyn Reynes sa Kapuso viewers na walang sawa na tumututok sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, matapos mamayagpag sa ratings ang kanilang show sa buwan ng Enero.

“And, YES! Thank you rin po sa suporta at pagmamahal ninyo sa buong buwan ng Enero! Love po namin kayo! Tuloy-tuloy po ang saya at aral”

And, YES! 😊 Thank you rin po sa suporta at pagmamahal ninyo sa buong buwan ng Enero! 😊 Love po namin kayo!😊💕 Tuloy-tuloy po ang saya at aral😊💕😘

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27) on