
Naka-recover na ba kayo mga Kapuso sa hiwalayan ni Chito (Jake Vargas) at Nikki (Julie Anne San Jos) sa Pepito Manaloto?
Pepito Manaloto: May magbabalik sa buhay ni Chito
Michael V, bakit pinili ang anak na si Brianna para kantahin ang 'Ayoko Na'
Hindi ini-expect ng mga viewers ang hiwalayan nang dalawa sa episode ng multi-awarded Kapuso sitcom last November 3, 2018.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jake Vargas bago ang ArtisTambayan event this Friday, February 8, ikinuwento niya na maraming nalungkot nang mag-break ang karakter nila ni Julie Anne San Jose sa Pepito Manaloto.
Wika ng Kapuso actor, “Actually nung nawala si Nikki (Julie Anne San Jose) ang daming nagtampo, ang daming umiyak. So ayan abangan nila this Saturday.”
Kaya dapat tutukan ng mga ChiNikki fans ang Valentine's episode ng Pepito Manaloto this Saturday night.
Nagbahagi din ng ilang detalye si Jake Vargas sa mga scene na dapat abangan ng mga Kapuso.
“Si Roxy (Mikoy Morales) parang Valentine's Day bigla niya ako niyaya sa [isang event para sa mga] single sa Valentine's [Day] mga ganun. Eh hindi ko inaaasahan na nandun pala si Nikki (Julie Anne San Jose), so parang nagtagpo kami.”
“So hindi ko ini-expect nandito siya parang ganun, so maganda 'yung eksena na 'yun kaya abangan nila sa mga sumusuporta ng Pepito Manaloto.”