
Masusubukan ang cooking skills ni Elsa sa TV show ni Chef Anthony (Martin del Rosario) na Bida sa Kusina.
Ang tunay na kayamanan ni Pepito Manaloto
Kayanin kaya ng misis ni Pepito (Michael V.) ang pressure na mapanood on national TV?
May malaki namang suliranin ang bida nating milyonaryo nang mabasa niya ang isang report patungkol sa nawawalang kalahating milyong piso sa PM Mineral Water.
Ang problema, pinaghihinalaan na ang empleyado niya na si Mara (Maureen Larazzabal) ang may kasalanan.
Magawa kaya ni Mara na magnakaw ng ganitong kalaking halaga o ang BF niya na si Tommy (Ronnie Henares) ang may kagagawan ng lahat?
Enjoy ang bonding with the whole family at tumutok sa kulitan at tawanan sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend.