
Si Pepito (Michael V.), suspect sa isang money laundering scandal!
The rich life of Pepito Manaloto
Nagkakagulo ang miyembro ng Mineral Water Association dahil may hinala silang isa sa kanila ay suspect sa isang money laundering scheme.
Kaso, nang may lumabas na whistleblower, ang itinuro nitong suspect ay si Pitoy! Makalusot kaya ang bida nating milyonaryo sa malaking problema na ito?
Mag-iimbestiga naman sina Elsa (Manilyn Reynes) at Baby (Mosang) sa gumagalang magnanakaw sa food park.
Mahuli kaya nila ang kawatan na nambibiktima ng mga inosenteng tao?
Tumawa at matuto sa nakaka-good vibes na episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa Sabado ng gabi, January 25, pagkatapos ng Amazing Earth.