GMA Logo Kapuso sitcom na Pepito Manaloto wagi sa TV ratings
What's on TV

'Pepito Manaloto' rules Saturday primetime in February!

By Aedrianne Acar
Published March 5, 2020 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BRP Emilio Jacinto conducts maritime patrol, test fire off Zambales
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso sitcom na Pepito Manaloto wagi sa TV ratings


Nakagpagtala ng mataas na ratings ang award-winning sitcom na 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento' sa buwan ng Pebrero.

Pinusuan ng maraming televiewers ang hindi mapantayan at pilit na tinatapatang multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa buwan ng Pebrero, matapos nitong talunin ang karibal na programa every Saturday night.

'Pepito Manaloto,' tinalo ang karibal na programa sa buong buwan ng Enero

Nakakataba ng puso na sa Kapuso Love Month, mas pinili ng mga Pinoy na makitawa at matuto sa kuwelang pamilya nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes).

Maaasahan ninyo, mga Kapuso, na sa 70th anniversary ng Kapuso Network ngayong 2020, mas hitik sa katatawanan ang mapapanood ninyo every week sa Manaloto fambam na napamahal na sa inyo.

Gawing bonding time with the whole family ang panonood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento every Saturday pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Wowowin Primetime.